Killer ng 2 estudyante arestado
BAGUIO CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang miyembro ng dreaded gang na Pinoy True Crips at sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Happy Homes, Baguio City noong Biyernes ng hapon.
Ang suspek na naitala ng pulisya bilang most wanted person ay nakilalang si Roderick “Jawo” Caramonte, 18.
Ayon kay P/Chief Insp. Engelbert Soriano, hepe ng station 7, ang suspek na may nakabinbing kasong kriminal sa RTC 59 at RTC 60 sa Baguio City, ay sinasabing sumaksak at nakapatay kay Charmaigen Valerie Calpito, 15, sa kahabaan ng Legarda Road noong Nobyembre 15, 2008.
Ang brutal na pagpatay kay Calpito at ang lumalang patayan sa Baguio City ay umani ng batikos mula sa mga residente partikular na ang mga negosyante.
“His arrest is a big sigh of relief for us,” pahayag ni Baguio police spokesman SPO3 Viyo Hidalgo,
Bago maaresto si Caramonte, isa pang miyembro ng gang na si Kenneth Sacyang, 18, ay nasakote na rin ng pulisya kung saan nakasuhan ang dalawa sa pagpatay sa isa pang estudyante na si Albert Santos, sa kahabaan ng Upper Session Road noong Hulyo 16, 2007.
Si Caramonte ay positibong itinuturo ng mga saksi na isa sa limang miyembro ng gang ang sumaksak kay Santos. Artemio Dumlao
- Latest
- Trending