Police station ni-raid ng NPA rebels, pulis hinostage

MANILA, Philippines - Sinalakay ng may 50 armadong miyembro ng New People’s Army ang isang himpilan ng pulisya sa Sta. Josefa, Agusan del Sur bago binihag ang isang bagitong pulis dito kama­kalawa ng umaga.

Ang mga rebelde na nag­panggap na mga sun­dalo ay lulan ng “Sadam” vehicle at pawang armado ng mala­la­kas na kalibre ng armas tulad ng M60 machine gun, M16 rifle at 14 rifles.

Nagulat na lamang ang limang bantay sa presinto nang biglang magpakilala ang mga rebelde at agad silang pinadapa saka nina­kaw ang mga baril dito. (Joy Cantos)

Konsehal ng bayan tinodas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 47-an­yos na konsehal sa Placer, Masbate na si Michael Si­velleno ang pinagbabaril hanggang mapatay ng dala­wang hindi nakilalang salarin pagkagaling ng biktima sa munisipyo sa Barangay Pasiagon sa naturang bayan ka­makalawa ng gabi. (Ed Casulla)

2 patay, 2 sugatan sa truck na nahulog sa bangin

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang katao ang kinarit ni kamatayan habang dalawang iba pa ang sugatan at naospital nang mahulog ang sinasakyan nilang dump truck kamakalawa ng tanghali sa bulu­bunduking bahagi ng Bulala, Kasibu, Nueva Vizcaya. Ayon sa ulat, nakilala ng mga nasawi na sina Romeo Dela Cruz, 48, at Freddie Gatchalian, 35. Nakaligtas din sa insidente ang 12 pa na pawang mga construction worker. (Victor Martin)

2 NPA rebel tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang umano’y miyembro ng New People’s Army na sina Emerson Cruzado, 34-anyos, at Cesario Santonia, 41-anyos, ang nadakip ng special forces ng pulisya sa Ila­yang Ipilan, Tayabas, Quezon kamakalawa ng hapon. Na­kumpiska sa kanila ang tatlong bag na naglalaman ng improvise personal landmine, electrical blasting caps, hand gre­nade, subersibong dokumento, electronic gadget at per­sonal na kagamitan. (Joy Cantos)

Show comments