Mayor dedo sa car mishap

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines – Nasawi ang 57-anyos na mayor ng Pili, Camarines Sur na si Alexis San Luis habang anim pang tao ang sugatan nang bu­mang­ga ang sinasakyan nilang sports utility vehicle sa kasalubong na pampa­sahe­rong bus sa Gumaca, Que­zon kamakalawa ng hapon.

Sugatan din ang asawa ni San Luis na si Leda, 57, at mga kasamahan nitong sina Lilia Delos Santos, 53; Gloria Baldon, 53; Fel Sal­vino, 72 at ang driver na si Orlando Bigay, 53, pawang mga residente ng Pili.

Isang bystander din ang nadamay sa aksidente na ki­nilalang si Reynante Agui­la, 24, ng Barangay Villa Bota, Gumaca.

Papauwi na ang grupo ni San Luis sa Bicol galing Manila sakay ng Ford Eve­rest na minamaneho ni Orlando Bigay at binabagtas ang kahabaan ng Mahar­lika Highway nang sumal­pok sa kasalubong na Cagsawa Bus pagsapit sa Barangay Rosario sa Gu­maca.

Sa salaysay ng mga saksi, nag-overtake umano ang bus na minamaneho ni Jesus Escoto, 56, na pa­tungo naman sa Manila nang salpukin ang sasak­yan nina San Luis na nasa kabilang linya ng highway.

Naitakbo pa si Mayor San Luis at kanyang mga kasamahan sa Lucena City General Hospital para ga­mutin pero namatay din ang mayor ilang oras ang nakalipas.

Nakakulong na si Es­coto sa Gumaca Police Station habang inihahanda ang mga kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple injuries at damage to properties laban sa kanya.

Show comments