CAVITE, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng babae ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang tahanan kamakalawa ng gabi sa Barangay Navarro, sa bayan ng General Trias, Cavite.
Tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Luzviminda Guiangan, 51, ng Block 1 Lot 2, Phase 4 Paramont Subd. at sinasabing may-ari ng water refilling station.
Batay sa police report, lumilitaw na nagkukuwenta ng kinita sa negosyo ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang maganap ang pamamaslang. (Cristina Timbang)