Mabagsik kaysa marijuana

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Siyam na puno na tinawag na katsubong na itinanim sa mini-forest ng Kidapa­wan City Landmark sa may national highway ang binu­not ng mga operatiba ng pu­lisya kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Insp. Benjamin Mauricio, chief ng Anti-Vice and Investigation Division, ang katsu­bong, bagama’t ‘di-kasama sa talaan na itinuturing na dangerous drugs, ay sina­sabing alternatibo sa marijuana.

Napag-alamang mas nakakaranas ng matinding hallucination ang taong nakahihithit ng katsubong kaysa pinatuyong dahon ng marijuana.

“Kapag sobra ang gamit ng katsubong, puwedeng mabaliw magkaroon ng temporary loss of sanity ang isang tao,” pahayag ni Mauricio.

Maaari ring dikdikin ang pinatuyong dahon ng ka­tsu­bong saka ihahalo sa juice.

Ang hugis at laki ng da­hon ng katsubong at marijuana ay halos pareho lang subalit sa amoy nagkaka­layo. 

Mas mabango ang da­hon ng marijuana kaysa sa katsubong.  Kaya’t kadala­san, napagkakamalang marijuana ang huli.

Sinabi pa ni Mauricio na kahit ‘di-ipinagbabawal sa batas ang pagtatanim ng katsubong, binigyan pa rin niya ng babala ang mga mamamayan na iwasan ang paggamit ng katsu­bong na sinasabing lason sa katawan. (Malu Manar)


Show comments