^

Probinsiya

50 newsmen hinarang ng militar

-

MANILA, Philippines – Umalma ang may 50 ma­mamahayag na sinasabing ka­ramihan ay nagmula pa sa May­nila makaraang maha­rang sa checkpoint ng militar sa ba­yan ng Guindulungan, Maguin­danao kahapon ng umaga.

Napag-alamang patungo sana ang mga mamamaha­yag na lulan nang walong sa­sak­yan sa evacuation center na tinu­tuluyan ng mga na­apek­tuhan ng giyera ng mi­litar at Moro Islamic Liberation Front renegades sa bayan ng Datu Piang  nang harangin ng tropa ng militar.

Agad namang nilinaw ni Army’s 601st Infantry Brigade Commander Col. Me­dardo Geslani, na pananda­lian la­mang hinarang ang mga ma­mamahayag dahil marami pang bomba na nakatanim sa highway bilang bahagi ng security measures.

“Hindi pa clear ‘yung ruta, maraming improvised explosive device (IED) na itina­nim ang MILF rogue elements, kaya hindi sila pinapasok kaagad, mahirap na eh, kargo (responsibility) natin ‘yung may mangyari sa kanila,” paliwa­nag ni Geslani sa phone interview. Tinukoy pa ng opis­yal na sa ilang linggong operasyon laban sa grupo ng pasaway na si 105th Base Commander Ameril Umbra Kato, aabot na sa 45 bomba ang narekober ng tropa ng militar. - Joy Cantos


BASE COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

DATU PIANG

GESLANI

GUINDULUNGAN

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL

JOY CANTOS

MAGUIN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAPAG

SHY

TINUKOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with