Dengue outbreak: 3 bata todas

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Tat­long mag-aaral ang iniulat na namatay mata­pos ta­maan ng dengue ha­bang ma­raming iba pa ang isinu­god sa ospital sa San­tiago City, Isabela.

Idineklara na ng health department ng Santiago City na dengue outbreak sa buong lungsod dahil sa pagkamatay ng tatlong bata kabilang ang isang grade 1 pupil na si Francine Obra sa katabing bayan ng Ramon.

Sa tala ng Santiago City health office na pinamu­munuan ni Dr. Ramonchito Bayang, umaabot na sa 181 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo kung saan sa 30-katao na tinamaan noong Mayo 2009 ay lumo­bo sa bilang na 67 nitong buwang kasa­lukuyan.

Kabilang sa mga ba­rangay na may pinakama­taas na kaso ng dengue ay ang Balintocatoc, Rizal, Rosario, Victory Norte at ang Barangay Calaocan.

Samantala, idineklara naman na ligtas ang 17-katao na na-ospital mula sa Sitio Kawakan, Capir­pir­wan, Cordon, Isabela ma­tapos madale ng dengue virus.

Kasunod nito, naalarma na rin ang Department of Health sa Tuguegarao City dahil sa patuloy na pag­lobo ng bilang ng mga bik­tima na nadale ng dengue sa mga lalawigan ng Isa­bela, Ca­gayan, Nueva Vizcaya at sa Quirino. (Victor Martin)


Show comments