'NBI agent' tiklo sa extortion

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines – Isang 58-anyos na lalaki na nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation ang ina­resto ng pulisya sa isang entrapment operation dahil sa umano’y pangingikil sa isang negosyante sa Ca­lamba, Laguna kamaka­lawa ng gabi. 

Kinilala ni Laguna Police Director Senior Superintendent Manolito Labador ang suspek na si Benjamin Valencia ng 106 San Ro­que, San Pedro, Laguna.

Naunang inireklamo ng biktimang negosyanteng si Evelyn Mendoza ang panghihingi sa kanya ni Valencia ng P15,000 salapi makaraang salakayin nito ang kanyang peryahan. 

Dalawang beses na umanong sinalakay ni Va­lencia at apat pang nagpa­kilalang NBI agent ang peryahan ni Mendoza sa Sitio Sipag at Tyaga, Ba­rangay 1, Calamba City hanggang ikulong pa uma­no ito sa isang restaurant.

Pinawalan lang si Men­doza matapos mangakong magbabayad ng P15,000.00 sa mga ahente umano ng NBI na nagbunsod para magsuplong siya sa mga pulis. (Arnell Ozaeta)

Show comments