^

Probinsiya

5 Budol-Budol sa norte nalambat

-

BAMBANG, Nueva Vizcaya, Philippines – Limang miyem­bro ng kilabot na budol-budol gang ang nahulog sa kamay ng batas matapos mabisto ang kanilang operasyon sa Barangay Buag, Bambang ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay PC/Insp Jan­ton Albano, hepe ng Bam­bang police office, nakilala ang mga suspek na sina Cezar Lazaro, 46; Mario De Guzman, 49; Conrado Malonzo, Jessie Salas, 37, na pawang residente sa lalawigan; at Jose Reyes, 46 ng Culipat, Tarlac.

Ang mga suspek ay nag­papanggap na ahente ng ibat-ibang produkto at nagpapakita ng mga ori­ hi­nal na produkto subalit puro naman basura ang laman ng mga ide-deliver na karton matapos si­ lang bayaran ng mga biktima.

“Ang modus ng mga suspek ay nagpapanggap na mga ahente ng mga juice, mineral water, at iba pang mga naka-karton na paninda at kapag pumayag ang mga store owner na kumuha ng bultuhang pa­ninda, idi-deliver naman nila ang mga karton na naka-sealed subalit, lingid sa kaalaman ng mga biktima, puro mga basura o anumang pabigat ang nakalagay sa loob ng karton,” pahayag ni Albano

Nasakote ang mga sus­pek nang tangkain nila noong Lunes na biktimahin ang negosyanteng si Hilde dela Fuente sa Barangay Buag. 

Agad na nagsumbong sa pulisya ang biktima nang matuklasan niya ang panloloko ng mga suspek.

Sinasabing ilang negos­yante sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ang nabik­ti­ma ng mga suspek. (Victor Martin)

vuukle comment

ALBANO

BARANGAY BUAG

CEZAR LAZARO

CONRADO MALONZO

INSP JAN

JESSIE SALAS

JOSE REYES

NUEVA VIZCAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with