Utak sa pagdukot sa anak ng Tsinoy tinukoy
MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na anak ng mag-asawang negosyanteng Filipino-Chinese sa Barangay Poblacion 3, Cotabato City nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce ng Philippine Army ang biktima na si John Kyle Chongson, Kinder 1 pupil ng Notre Dame School.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga kidnapper na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas at sinunggaban ang bata.
Wala namang nagawa ang mga kasambahay ng biktima matapos ang mga itong tutukan ng baril ng mga suspect.
Ang biktima ay isinakay ng mga kidnapper sa kanilang KIA vehicle na siyang ginamit na get away car na namataang tumahak patungo sa direksyon ng Binuruan, Sultan Kudarat.
Kaugnay nito, ayon kay Ponce, ay patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang grupong du mukot sa biktima.
Gayunman, natukoy na ng pulisya ang utak sa pagdukot kay Chongson.
Sa ulat na nakarating sa Land Transportation Office sa Central Office, pinangalanan ni Cotabato City police director S/Supt. Willie Dangane ang namumuno sa grupo na si Abdulwahab Mohimin Abo “Alias Botiting/Boy Bangsa Moro” na dating disk jockey ng Hot FM sa Cotabato.
Anya, kabilang din sa itinuturong suspek ang tatlong empleyado ng LTO-ARMM kung saan ang isa ay kinilalang si Mamarais Utto Tubog. (Joy Cantos at Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending