MANILA, Philippines - Aabot sa 300 yunit ng mga imported na sasakyan na may halagang P1 bilyon ang nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group-Mindanao sa isinagawang magkakahiwalay na raid sa Davao City, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ulat ni Bong Aquia, hepe ng PASG- Mindanao Special Operations Group, sinalakay ang bodega ng P. K. Industries and Trading Inc. sa Purok Virgo Licanan, Lasang kung saan nasamsam ang 230 yunit ng mga Hyundai, KIA, Daewoo, Ssangyong at Chevrolet habang ang karagdagan pang 76 yunit ay sa follow-up operation kamakalawa sa show room ng kumpanya sa KM 7, Lanang, Davao City.
Narekober rin sa lugar ang mga surplus na motor vehicle engines, bicycles at iba pang mga accessories ng sasakyan.
Gayon pa man, tumanggi muna si Aquia na tukuyin ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bodega at show room na hinihingan nila ng kaukulang dokumento. Joy Cantos