^

Probinsiya

Pagdanak ng dugo nakaumang

-

MANILA, Philippines – Pinangangambahan ang pagdanak ng dugo at ubusan ng lahi sa pa­gitan ng mga ka­mag-anak ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at ng nakalaban nitong grupo matapos ang shootout noong Linggo  ng gabi sa ba­yan ng Imus, Cavite na kumitil ng buhay ng 6-katao.

Inalerto na ang mga operatiba ng pulisya upang pigilan ang po­sible pang pagba­banggaan ng magka­labang pamilya.

Sa simpleng alitan sa trapiko ay napas­lang ang tatlong ka­mag-anak ni Senador Revilla na sina Raffy Bautista, Ritchie Allen Bautista, Raul Bautista at ang driver na si Mi­chael Sa­languit ha­bang dalawa naman mula sa grupo ng mga Sultan na ka­nilang na­kalaban na sina Mah­mod Sultan at Sowaid Salie.

Samantala, nagla­tag ng mga checkpoint upang kumpiskahin ang mga loose firearms at ng maiwasang maulit pa ang insi­dente.

Ipinag-utos na ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Director Raul Casta­ñeda, ang malawa­kang crackdown sa mga loose firearm sa Cavite.

Isinailalim na sa kustodya ng PNP Firearms and Explosives Division ang mga baril na nasam­sam sa crime scene. - Joy Cantos


vuukle comment

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR RAUL CASTA

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

JOY CANTOS

RAFFY BAUTISTA

RAUL BAUTISTA

RITCHIE ALLEN BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with