2 karnaper arestado

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng da­lawang kalalakihan na sinasabing karnaper makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa. Pormal na ina­sunto ang mga suspek na sina Azriel Margaya, 30, ng Sitio Sulok, Brgy.Saluysoy, Mey­cauayan City at Jay Jurado, 39, ng Constantino Subd., Brgy. Poblacion, Ma­rilao.

Napag-alamang nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Enrico Calma ng Brgy. Duhat, Bocaue, Bulacan kaugnay sa pag­kawala ng kanyang owner-type jeep (CJX 936) noong Linggo ng umaga sa Brgy. Sta. Rosa sa harapan ng Devine Shrine Mercy.

Sa follow-up operation ng pulisya, nabawi ang sasak­yan ng biktima at naaresto ang dalawa sa tatlong suspek. (Boy Cruz)

Show comments