MANILA, Philippines - Sampung rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 20-iba pa ang nasugatan makaraang muling sumiklab ang sagupaan ng tropa ng militar at grupo ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng Brgy. Bialong, sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.
Ayon kay Army’s 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, nasabat ng tropa ng Army’s 64th Infantry Battalion (IB) ang mga rebelde habang nagpapatrolya sa nabanggit na barangay bandang alas-12:25 ng tanghali.
Umabot sa 30-minuto ang bakbakan kung saan sampung rebelde ang bumulagta habang wala namang naiulat na napaslang o nasugatan sa panig ng militar. Samantala, bunga ng sagupaan ay napilitan ang mga residente na magsilikas. (Joy Cantos)