6 dedo sa away-trapiko

CAVITE, Philippines – Dahil sa si­na­sabing simpleng away-tra­piko, anim-katao kabi­lang na ang tatlo na malapit na ka­mag-anak ni Senator Bong Revilla ang kumpir­madong napatay maka­raang magba­rilan ang da­lawang pamilya sa bayan ng Imus, Cavite ka­maka­lawa ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Ulysses Cruz, kabilang sa mga na­sawi ay sina Raul Bautista, 68; mga anak na sina Rau­lindo “Raffy” Bautista at Ri­chie Allen Bautista, 45; Mi­chael Salanguit, 41, pa­wang nakatira sa Brgy. Pa­lico, sa bayan ng Imus.

Patay din ang mag-amang sina Sowaib Salie, 68; at Mahmod “Macky” Sultan na kapwa nakatira sa Brgy. Bayan Luma, Imus.

Napag-alamang nagdi­dis­karga ng yelo ang mag-aamang Bautista sa kalsa­dang papasok ng palengke nang businahan naman ng mag-amang So­waib at Mah­mod na nooy sakay ng To­yota Revo kung saan na­ha­ha­rangan ng sasakyang owner-type jeep ng pa­milya Bau­tista.

Sinasabing nagalit si Raul sa sunud-sunod na busina ng mag-amang Salie kung saan umabot sa mainitang kom­pron­tasyon at nauwi sa pag­babanta ng bawat isa bago lumi­san sa nabanggit na lugar.

Bandang alas-9:30 ng gabi, nang bumalik sa pa­lengke ang mag-aamang Bautista kasama ang dray­ber na si Salanguit na pa­wang armado ng mga baril para tugisin ang nakasa­gutang mag-amang Salie na nooy mga armado rin ng baril.

Nang mag-abot ang da­lawang pamilya, nagsi­mu­lang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at nang mahawi ang usok, ay duguang bu­mulagta ang mga biktima.

Namatay naman ha­bang ginagamot sa Our Lady of Pillar Hospital si Salangui.

Ang pamilya Bautista ay nagmamay-ari ng ice plant sa bayan ng Imu, saman­talang may negosyo na­mang tinda­han ng celpon at DVDs ang mag-amang Salie.

Base sa impormasyon ng pulisya, may matagal ng alitan ang dalawang pa­milya hanggang sa umabot sa barilan. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

Show comments