'Rapist' nagbigti, matansero nilikida

PANGASINAN, Philippines —Nagpakarit kay kamatayan ang isang 26-anyos na lalaki na sinasabing may kasong rape makaraang magbigti sa loob ng kanyang selda sa himpilan ng pulisya sa Ma­lasiqui, Pangasinan, kamakalawa.

Madaling-araw nang ma­tagpuang nakabitin sa palikuran ng selda si Ildefonso “Eddie” Bulatao, Jr. ng Brgy. Balite.

Samantala, isang 39-anyos na ma­tan­sero ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ka­ma­kalawa ng umaga sa Brgy. Nalsian Sur, Malasiqui. Tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Artemio “Boboy” Osorio ng Brgy. Nalsian Norte. Ayon sa pulisya, ang biktima ay isi­nasangkot sa ilegal na droga at akyat-bahay. (Cesar Ramirez)

Show comments