7 rebelde napatay

MANILA, Philippines - Pitong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang napaslang habang marami pa ang nasugatan nang salakayin ng may 30 rebelde ang patrol base ng Charlie Company ng 45 IB ng Philippine Army sa Barangay Macasampen, Guindulu­ngan, Maguindanao kamaka­lawa ng gabi. Taliwas sa inaasahan ng mga rebelde ay nakahanda ang mga sundalo kaya pina­ula­nan sila ng mga bala. Walang napatay sa panig ng militar. (Joy Cantos)

Show comments