^

Probinsiya

Magkapatid nasagip; 4 kidnappers timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ilang oras matapos na dukutin, nailigtas ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang magkapatid kasunod ng pagkakaaresto sa apat na kidnappers na hinihi­nalang miyembro ng isang kidnap for ransom gang matapos maharang sa checkpoint ang behikulong sinasakyan ng mga ito sa Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa.

Inireport ni Police Regional Director Chief Supt. Ramon Gatan na kinilala ang nasagip na magkapa­tid na sina Zenaida at Ce­cilia Gasa, pawang resi­dente ng Rosario, La Union.

Sinabi ng pulisya na hinarang ang makapatid ng mga armadong kidnappers habang lulan sila ng Toyota Hi Ace van sa kahabaan ng highway ng Rosario da­kong alas-4:15 ng hapon ng Huwebes.

Pinaandar ng mga sus­pek na sina Mark Rey Bau­tista, 25-anyos ng Maynila; Edwin Solis, 23 ng Mari­kina City; Jayson Ceneta, 22, ng Pasay City at Arjay Afable ng Janiway, Iloilo ang sasakyan ng mga bik­tima na nama­taang pina­sibad patungo sa Panga­sinan.

Agad namang naglatag ng checkpoint ang Panga­sinan Provincial Police Office hanggang masabat ang mga suspek sa bahagi ng Maharlika Highway, Barangay San Vicente, Urdaneta City.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang masukol ng pulisya.

Nasamsam mula sa mga suspect ang isang Armscor cal. 45 pistol, packaging tapes at dalawang bag na naglalaman ng mga damit ng mga suspek.

vuukle comment

ARJAY AFABLE

BARANGAY SAN VICENTE

EDWIN SOLIS

JAYSON CENETA

LA UNION

MAHARLIKA HIGHWAY

MARK REY BAU

SHY

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with