^

Probinsiya

Kawani nagbaril sa ulo

-

MANILA, Philippines - Nagpakarit kay kamatayan ang isang kawani ng University of the Philippines (UP) Law Center matapos itong magbaril sa sentido sa palikuran ng kanilang ba­hay-bakasyunan sa Barangay San Gabriel sa Tugue­garao City, Cagayan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Cagayan Provincial Police Office na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naghahanda ang pamilya ni Edwin Berong Sr., 57, sa pagbabalik sana nito sa Maynila matapos ang tatlong araw na bakasyon nang maganap ang insidente. Sa testimonya ni Lynda Be­rong, asawa ng biktima na bago maganap ang pang­yayari ay sinabi nitong isang maling desisyon ang kani­yang nagawa. Joy Cantos

Estudyante nag-suicide

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Dahil sa kawalan ng pang-tuition fee sa kolehiyo, nagdesisyong mag-suicide ng isang 18-anyos na lalaki sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa sa Brgy. San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija. Ang biktimang nag-iwan ng suicide note sa kanyang mga kasambahay ay nakilalang si Adrian Azarcon y Onera. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktimang nanlulumo noong Sabado ng gabi sa bakuran ng kanilang bahay. Christian Ryan Sta. Ana

Sakristan nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isang sakristan na sina­sabing iniwan ng kanyang misis ang iniulat na nagbigti sa compound ng simbahan noong Linggo ng umaga sa Bayan ng Sta. Magdalena, Sorsogon. Ang biktimang nag-iwan ng suicide note ay nakilalang si Walter Gabion, sakristan ng St. Mary Magdalene Church. Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Insp. Romeo Gallinera, nag-iwan ng suicide note ang biktima kung saan sinasabing iniwan ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki subalit mahal pa rin niya. Ed Casulla

Inhinyero itinumba

PANGASINAN, PhilippinesPinagbabaril hanggang sa ma­patay ang isang inhinyero ng dalawang magkaangkas sa motor­siklo kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Brgy. Pobla­cion West sa bayan ng Calasiao, Panga­sinan. Sa ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office kahapon, Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Engr. Domingo Ballesteros, 48, economic enterprise officer ng Calasiao municipal government at residente ng Brgy. Malabago. Sa police report, lumilitaw na naglalakad ang biktima na kasama ang ilang ka-trabaho patungo sa burol ng dating kaopisina nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding assassins. Cesar Ramirez

Iligal rekruter arestado

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang iligal rekruter makaraang maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation kahapon sa Barangay Santisima Trinidad, Malolos City, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Guillermo Del Castillo Jr., 59, ng # 335 Rose Street, San Antonio Village, Las Piñas City at #57 Roxas St., Josefa Ville Subd., Angeles City, Pampanga. Ayon sa pulisya, ang suspek ay gumagamit din ng alyas John Willian Castillo. Kabilang sa mga naging biktimang nagbigay ng malaking halaga sa suspek ay sina Glenlee Lopez ll, Henry Lopez, Clemente Aguilar at si Richard Manaoat. Boy Cruz

ADRIAN AZARCON

ANGELES CITY

AYON

BARANGAY SAN GABRIEL

BRGY

CITY

MALOLOS CITY

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with