Ama dinos-por-dos ng anak, dedo
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagmistulang mabangis na hayop ang isang anak na lalaki matapos nitong hatawin ng dos-por-dos hanggang sa mapatay ang kanyang ama kamakalawa sa bakuran ng kanilang bahay sa Naga City, Camarines Sur.
Basag ang bao ng ulo ng biktimang si Salvador San Jose, 69, habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolly Boy San Jose, 21.
Base sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nag-iinuman ng alak ang mag-utol na Rolly at Raul sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Mabolo nang magkapikunan kaugnay sa isyung politika.
Dahil sa kapwa lango sa alak ang mag-utol ay nagkasuntukan kaya inawat naman ng kanilang ama subalit pinagbalingan ito ng suspek at pinagpapalo ng dos-por-dos hanggang sa duguang bumulagta.
Nang matauhan ang suspek mula sa espiritu ng alak ay kaagad na tumakas habang naisu god naman sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest
- Trending