Student nag-suicide sa kahihiyan
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi napagbigyan ng ina ang kahilingan na P200 para pam-blowout sa mga kaibigan, nagdesisyong ang isang 19-anyos na hayskul student na magbigti kamakalawa sa kanilang bahay sa Barangay Taloc, Bago City, Negros Occidental.
Natagpuang nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto gamit ang sintas ng sapatos ang biktimang si Mike Makilan, 1st year high school sa nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng hepe ng pulisya na si P/Supt. Miguel Coronel, nabatid na labis na dinamdam ng biktima nang hindi ito mabigyan ng P 200 na pa-birthday ng kaniyang ina noong Biyernes.
Lulugu-lugong umuwi ang biktima na hindi kumikibo at hindi makausap nitong nakaraang araw simula nang mapahiya sa mga kaibigan hanggang sa magpakamatay ito kung saan nag-iwan rin ng suicide note. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending