Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Nagpa-load at nag-text muna sa kaniyang celpon ang isang ‘di-pa kilalang lalaki bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang barangay chairman sa Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi. Dala­wang bala ng baril sa ulo at tiyan ang tumapos sa buhay ni Chairman Yusuf “Boy” Isnani ng Brgy. Busbus  sa kapitolyo ng Jolo.

Base sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, lumilitaw na bago ang pa­mamaril, nagpa-load pa ang ‘di-kilalang lalaki sa isang tindahan saka nagtanong pa sa tindera kung saan matatagpuan ang bahay ni Chairman Isnani na noo’y nakatayo sa harapan ng kanilang baku­ran.

Nang ituro ng tindera si Isnani, ay kaagad na nilapitan at dalawang ulit na binaril. Dalawang ang­gulo ang sinisilip ng pulisya kung saan sinasabing may kaugnayan sa pulitika. Joy Cantos

Show comments