Habambuhay sa killer ng trike driver
BULACAN, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte laban sa mister na napatunayang pumatay sa isang traysikel drayber noong Oktubre 2002 sa bayan ng Balagtas, Bulacan.
Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Virgilita Bautista-Castillo ng Malolos City Regional Trial Court Branch12, bukod sa habambuhay na pagkakulong kay Alfonso Haro, pinagbabayad din ng korte ang akusado ng P125,000 bilang danyos pewisyo sa pamilya ng biktimang si Henry Magtalas ng Brgy. Longos, Balagtas, Bulacan.
Base sa record ng korte, lumilitaw na aksidenteng nabangga ng traysikel ng biktima ang bisikleta ng akusado kung saan humantong sa krimen noong Oktubre 7, 2002.
Naaresto si Alfonso noong Hulyo 5, 2005 sa bahagi ng Sitio Lala-o sa Barangay Tranca, Bay, Laguna.
Napag-alaman din na naging kasabwat ni Alfonso ang kanyang dalawang kapatid sa pagpatay sa biktima kung saan naunang hinatulan ng habambuhay si Jose Haro noong Setyembre 6, 2004.
Nanatili namang nakakalaya ang isa pang akusado na si Crisanto Haro. Boy Cruz
- Latest
- Trending