^

Probinsiya

Patayan sa Ilocos Norte lumalala

-

LAOAG CITY, Ilo­cos Norte, Philippines – Hindi lili­pas ang isang araw na wa­lang pinapatay sa Ilocos Norte kung saan isa na namang abo­gado ang pinagbabaril hanggang sa mapatay noong Bi­yernes sa bahagi ng Barangay Calambeng sa bayan ng Piddig sa Ilocos Norte. Napag-alamang nagpaalam ang bikti­mang si Atty. Eddie Gregorio sa kan­yang kaibigang lawyer para makipagpulong sa isang kliyente subalit sinalubong siya ni ka­matayan. Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, nilapitan ang biktima ng ‘di-pa kilalang lalaki bago pinagbabaril.

Matatandaang isang pulis ang binaril at na­patay sa harap ng cockpit arena sa bayan ng Dingras, kung saan makalipas lamang ng isang linggo ay tinam­bangan at napatay ang isa na namang pulis sa bayan ng Batac, Ilocos Norte.

Niratrat at napatay na­man ang mag-ama sa loob ng kanilang ta­ha­nan sa bayan ng Solsona.

Isinisi naman ng pulisya ang nagkalat na baril na walang kauku­lang dokumento sa na­banggit na lalawigan partikular na ang guns-for-hire. Artemio A. Dumlao

ARTEMIO A

AYON

BARANGAY CALAMBENG

BATAC

DINGRAS

DUMLAO

EDDIE GREGORIO

ILO

ILOCOS NORTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with