Bunso tinodas ni kuya
PANGASINAN, Philippines – Pinaniniwalaang matinding alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagpapalo hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na biyudo ng kanyang nakatatandang kapatid sa Barangay Primicias sa bayan ng Bautista, Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nemesio Cacalda, 47, samantalang naaresto naman ang suspek na si Onofre Cacalda, 56. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na kapwa nakainom ng alak ang mag-utol nang magkasigawan kaugnay sa matagal na nilang hidwaan na sinasabing may kinalaman sa lupain. Agad hinataw sa ulo ng suspek ang kanyang kapatid at kaagad na nagkikisay at namatay. Labis naman nagsisisi ang suspek sa nagawa sa kanyang utol. - Cesar Ramirez
- Latest
- Trending