^

Probinsiya

Rape suspect 'inatado'

-

DAET, CAMARINES NOR­TE, Philippines – Isang mister na suspek sa panggagahasa sa isang dalaga ang hinihinalang pinag­tataga ng ilang kamag-anak ng biktima at natagpuang duguan sa isang palayan sa bayang ito.

Tatlong araw na naratay sa Camarines Norte Provincial Hospital bago ikinulong sa selda ng Daet Police kamaka­lawa ng umaga ang suspek na si Samuelito Villanueva, 27 an­yos, residente ng Purok 5, Ba­rangay Pamorangon dito rin sa Daet.

Lumilitaw sa pangunang pagsisiyasat ng pulisya na, noong hapon ng Hunyo 7 ng taong ito, armado ng patalim na hinarang ni Villanueva ang 18 anyos na biktimang itinago sa alyas na Maria habang nagla­lakad ito sa Barangay Mang­cruz dito bago niya kinaladkad at gi­na­hasa sa madamong lugar ang babae.

Lasing umano ang suspek nang mga oras na iyon at hindi makasiping sa buntis niyang asawa kaya pinagdiskitahan ang biktima.

Sinabi ni PO2 Michael Surla na nakapanlaban ang biktima at nakuha ang patalim pero na­ katakbo palayo ang suspek nang makilala ito ni Maria. (Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY MANG

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

DAET

DAET POLICE

FRANCIS ELEVADO

HUNYO

ISANG

MICHAEL SURLA

SAMUELITO VILLANUEVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with