Bilangguan nilusob ng MILF, 1 dedo

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Na­ma­tay agad ang isang gu­war­diya ng North Cota­bato Provincial Jail habang apat ang su­gatan matapos na lusubin ito ng 50 miyem­bro ng Moro Is­lamic Liberation Front ka­hapon ng ma­daling-araw dito.

Si Jail Officer 3 Jake Ro­sales ay napuruhan sa ulo nang tamaan ng rocket-propelled grenade na pina­wa­lan ng mga suspek ha­bang su­gatan naman sina provincial jail warden Re­dentor Ma­ra­sigan; Jail Officer 3 Kahar Ma­casun­dang; at Police Officer 3 Fermin Alarcon, miyem­bro ng Provincial Police Mobile Group.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce ng Phil­ippine Army, matagal nang nakaka­tang­gap ng intelligence report na susu­gurin ng MILF ang na­tu­rang piitan para pawalan ang nakaku­long na deputy ni Commander Ameril Umbra Kato.

Nabawi ng mga tauhan ng Rapid Response Group at Explosives and Ordnance Disposal Team ng Philippine Army ang isang RPG na ‘di sumabog at isang ‘bara-de-cabra’ na ginagamit pang­wasak ng pader.

Nabigo rin ang mga rebelde na mapalaya ang hinahanap nilang preso. (Malu Cadelina Manar)


Show comments