18 bandido nasawi

MANILA, Philippines – May 18 nang miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay sa patuloy na paki­kipag-engkuwentro rito ng militar sa Tipo-Tipo, Basilan. Sinabi ng taga­pag­salita ng militar na si Captain Neil Anthony Estrella na tatlong bandido pa ang napaslang sa patuloy na bakbakan ng Abu Sayyaf at ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines sa Sitio Kurelem, Barangay Silangkum, Tipo-Tipo na nagsimula noong Sabado. Nakubkob din ng militar ang kampo ng isang kumander ng Abu Sayyaf na si Furuji Indama sa Sitio Kurelem bagaman nakatakas ito. (Joy Cantos)


Show comments