BULACAN, Philippines – Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang walong kabahayan na may ilang metro lamang ang layo sa pampublikong paaralan sa Brgy Turo sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ni F/Supt. Absalon Zipagan, Bulacan Fire Marshall, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Pisyong Mauricio, na sinasabing pagawaan ng sitcharong baboy.
Sinasabing nag-over heat ang bentilador sa loob ng bahay kaya tuluyang sumiklab at kumalat ang apoy. Pansamantalang sinuspinde ang klase sa paaralan ng Turo Elementary School para na din sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.
Wala naman iniulat na nasugatan o kaya nasawi matapos maapula ang apoy. (Boy Cruz)