^

Probinsiya

Trike vs bus: 3 katao patay

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang apat na iba pa ang ma­lubhang nasugatan makaraang masalpok ng pampa­saherong bus ang traysikel sa highway ng Barangay New Moriones, sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur kahapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina Allan Bravante, drayber ng traysikel; Marvin Ilarde, 17; at si Eugenio Vega, 17; samantalang ginagamot naman sa Bicol Medical Center sina Ana Luna Albao, Monica Chavez, Mark John Calung, at si Mark Joseph Bas na pawang mga residente ng Brgy. Himaao, ng nabanggit na bayan.

Base sa police report, nag-overtake ang traysikel ng mga biktima na patungong bayan ng Sangay sa sinusundang truck nang makasa­lubong ng JC Liner Bus kaya naganap ang trahedya.

Sumuko naman ang drayber ng bus na si Ronaldo Bagansala at nakatakdang kasuhan. (Ed Casulla)


ALLAN BRAVANTE

ANA LUNA ALBAO

BARANGAY NEW MORIONES

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

ED CASULLA

EUGENIO VEGA

LEGAZPI CITY

LINER BUS

MARK JOHN CALUNG

MARK JOSEPH BAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with