MANILA, Philippines – Aabot na sa 50 rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napaslang sa loob ng 5-araw na air at ground strike operations ng tropa ng militar sa Maguindanao, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, kinumpirma ni Army’s 601st Brigade Commander Col. Medardo Geslani, na pito pang MILF renegades ang napatay sa pagpapaulan ng artillery fires at rockets sa pinagkukutaan ng gru po ni MILF 105th Base Commander Ameril Umbra Kato sa bayan ng Guindulungan at Talayan, Maguin danao.
Sinabi ni Geslani, umpisa noong Huwebes kaugnay ng inilunsad na air at ground strike operations sa pinagkukutaan ng MILF renegades ay dalawang main camp, kung saan 50 rebelde na ang napapatay.
Ang Camp Afghan sa Brgy. Ahan, Guindulungan ay nakubkob ng tropa ng 75th Infantry Battalion ha bang sumunod namang bumagsak ang Camp Bader sa Upper Guindulungan.
Bukod dito, ay nakubkob din ang tatlo pang satellite camp na nagsisilbing ‘defense line’ ng MILF sa bayan ng Guindulungan at isa pa ay ang Camp Omar sa Brgy. Fukol sa karatig na bayan naman ng Talayan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nanatili namang lima ang nasugatan sa panig ng militar na pawang nasa mabuti ng kalagayan.
Tinataya namang nasa 600 MILF renegades ang nagkukuta sa Central Mindanao at target ng operasyon ng militar.
“We are only attacking the LMG (Lawless Moro Groups), the 105th Base Command under Kato and we are not targeting other base command of the MILF,” pahayag ni Lt. Col. Jonathan Ponce.
Binigyang diin pa ni Ponce na patuloy ang pag-iskor ng tropa ng militar laban sa grupo ng MILF renegades. (Joy Cantos)