^

Probinsiya

50 MILF todas sa air-ground strike

-

MANILA, Philippines – Aabot na sa 50 rebel­deng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napaslang sa loob ng 5-araw na air at ground strike operations ng tropa ng mi­litar sa Maguindanao, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, ki­numpirma ni Army’s 601st Brigade Commander Col. Medardo Geslani, na pito pang MILF renegades ang napatay sa pagpapaulan ng artillery fires at rockets sa pinagkukutaan ng gru­ po ni MILF 105th Base Commander Ameril Umbra Kato sa bayan ng Guin­du­­lu­ngan at Talayan, Maguin­ danao.

Sinabi ni Geslani, um­pisa noong Huwebes kaug­nay ng inilunsad na air at ground strike operations sa pinagkukutaan ng MILF renegades ay dalawang main camp, kung saan 50 rebelde na ang napapatay.

Ang Camp Afghan sa Brgy. Ahan, Guindulungan ay nakubkob ng tropa ng 75th Infantry Battalion ha­ bang sumunod namang bumagsak ang Camp Ba­der sa Upper Guindu­lu­ngan.

Bukod dito, ay nakub­kob din ang tatlo pang satellite camp na nagsisilbing ‘defense line’ ng MILF sa bayan ng Guindulungan at isa pa ay ang Camp Omar sa Brgy. Fukol sa karatig na bayan naman ng Tala­yan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nanatili namang lima ang nasugatan sa panig ng militar na pawang nasa mabuti ng kalagayan.

Tinataya namang nasa 600 MILF renegades ang nagkukuta sa Central Min­danao at target ng operas­yon ng militar.

“We are only attacking the LMG (Lawless Moro Groups), the 105th Base Command under Kato and we are not targeting other base command of the MILF,” pahayag ni Lt. Col. Jonathan Ponce.

Binigyang diin pa ni Ponce na patuloy ang pag-iskor ng tropa ng militar laban sa grupo ng MILF renegades. (Joy Cantos)

ANG CAMP AFGHAN

BASE COMMAND

BASE COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

BRGY

BRIGADE COMMANDER COL

CAMP BA

CAMP OMAR

CENTRAL MIN

MILF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with