21 nasagip ng Navy

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng search and rescue team ng Philippine Navy ang 21 katao na sinasabing nawawala noong Martes matapos masiraan ang kanilang bangkang de motor kahapon sa karagatan ng Catanduanes at Rapu-Rapu, Albay. Sa ulat ni Philippine Navy spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo, naispatan ang na­wawalang bangka na palutang-lutang matapos mapadpad sa karagatan ng Gigmoto, Catan­duanes. Napag-alamang nag-text ang pilotong si Jose Celon ng Brgy. Binanuahan, kay Ka­gawad Emmanuel Traguena na nasiraan ang nasabing bangka kaya kaagad na naiparating sa kinuukulan ang insidente. - Ed Casulla


Show comments