420,000 board feet troso nasamsam

ILAGAN, Isabela, Philippines — Umaabot sa 420,000 board feet ng ibat-ibang uri ng pu­nongkahoy ang na­sam­sam ng mga ta­uhan ng Anti-Illegal Logging Task Force sa isinagawang magkahi­walay na operasyon sa loob ng tatlong araw kamakalawa sa mis­mong paanan ng Sierra Madre Mountain sa bayan ng Ilagan, Isabela.

Ayon kay Governor Grace Padaca, itinutu­ring na pinakamala­king huli sa kasaysa­yan ng bansa ang pagkaka­diskubre sa mga troso na pawang mga first class na hardwood ka­bilang na ang red at white lawaan na bibihira na lamang na mata­tagpuan sa mga ka­gubatan.

Maliban sa 300,000 piraso na nasamsam noong Martes ay na­kumpiska rin ng provincial task force sa pa­ngunguna ni Dave Si­quian, ang 40,000 board feet noong Linggo at 80,000 board feet naman noong Lunes sa mga Brgy. Santa Filomena at Mi­nanga sa bayan ng San Mariano.

Ang 300,000 board feet na nasamsam sa Brgy. Naguilian na na­sa paanan ng Sierra Madre ay tinatayang aabot sa P10 milyon.

Ayon kay Siquian, ang pagkadiskubre sa pinakamalaking volume ng kahoy ay dahil sa tulong ng ilang residen­te na sinasa­bing nag-text sa kinau­u­kulan ka­ugnay sa kahina-hinalang ope­rasyon ng sindikato.

Sa kabuuan ay aabot sa milyong board feet ang nasa panga­ngalaga ngayon ng provincial government simula nang pagtuunan ni Gov. Padaca ang kampanya laban sa mga illegal logger. - Victor Martin


Show comments