Traffic aide utas sa dyip

CAVITE, Philippines – Dahil sa paghahabol sa sinitang pampasa­he­rong jeepney ay maagang kinarit ni kamatayan ang isang traf­fic aide matapos mahulog sa sinabitang sasakyang ka­ma­kalawa ng gabi sa Aguinaldo Highway sa Tagaytay City, Cavite. Napatay sa Tagaytay Medical Center si Thelmo Quilao, 49, miyem­bro ng Tagaytay Public Safety Unit at ng Brgy. San Jose. Sumuko naman sa pulisya ang drayber na si Arman Bu­gagaom, 19, ng Brgy. Banilad, Nasugbo, Batangas. Sa police report, lumilitaw na sinita ng biktima si Bugagaom dahil sa pananatili nitong nakaparada sa gilid ng highway. Nang magtalo ang dalawa ay pinaharurot ng drayber ang dyip subalit mabilis na sumabit ang biktima kung saan nawalan ito ng balanse at nahulog sa sasakyan. - Cristina Timbang


Show comments