Lalaki natodas sa sayawan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Naudlot ang kasa­yahan sa sayawan matapos na makuryente ang isang 24-anyos na lalaki sa talop na linya ng sound sys­tem ka­hapon ng madaling-araw sa Brgy. Quibong­bongan, sa ba­yan ng Guinobatan, Albay. Idineklarang patay sa ospital si Arthur Rodriguez kung saan katatapos pa lamang mag­sayaw at pa­paupo na sana sa gilid ng sound system nang aksiden­teng mapahawak sa talop na linya ng kuryente. Nag­dulot ng tensyon at natigil ang sayawan nang mama­taan nangi­ngisay ang biktima sa kinalalagyan. - Ed Casulla


Show comments