^

Probinsiya

Kuta ng mga kidnaper tukoy na

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Na­tukoy na ng mga awto­ridad ang pinagkukutaan ng mga armadong kalala­kihan na dumukot noong Linggo ng gabi kay Lour­des Kian, 72, (naunang iniulat na Leonarda Tan) ng Barangay Notre Dame, Cotabato City.

Mismong ang drayber na si Wilfredo Ronquillo, ang nagpaabot kay P/Senior Supt. Wilfredo Danga­ne, hepe ng Cotabato City PNP, na si Kian at caretaker nitong si Bernardo Isidro ay dinala sa kagu­batan ng Datu Odin Sin­suat, Maguindanao.

Ayon kay Ronquillo, lulan si Kian, Isidro, ng kan­yang Toyota Ace van pauwi sa Notre Dame Village nang harangin ng mga a­r­madong kalalakihan sa Malagapas Area sa Brgy. Rosary Heights.

Kaagad na sumakay ang mga suspek sa van ni Ronquillo at nagpahatid sa terminal ng Husky Bus sa Brgy. Taviran sa Datu Odin Sinsuat hanggang sa ma­karating sa Brgy. Ping­giaman kung saan dala­wang motorsiklo ang sinak­yan ng mga armadong kalalakihan kasama sina Kian at Isidro.

May teorya si Ronquillo na nasa hangganan ng Datu Odin Sinsuat at Datu Piang, sa Maguindanao, sinala ang mga biktima na sinasabing sentro ng bak­bakan sa pagitan ng militar at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front simula pa noong Enero 2009.

Sa tala ng pulisya, si Kian ang ikaapat na bik­ti­ma ng kidnapping sa Central Mindanao kung saan naunang dinukot ang mag-amang Wilson at Jennifer Tan, noong Marso 2009.  

Kabilang din sa kinidnap ay ang Chinese trader na si Afen Ma Wu, noong Mayo 27.

Kaugnay nito, nanawa­ gan si Cotabato City Mayor Muslimin Sema, sa mga kidnaper ni Kian na pala­yain na lamang nila ito dahil wala silang mapapala sa biktima.

Hanggang sa ngayon, ay hindi pa nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ni Kian. - Malu Manar

AFEN MA WU

BARANGAY NOTRE DAME

BERNARDO ISIDRO

BRGY

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT

KIAN

RONQUILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with