^

Probinsiya

Sanggol ibinenta sa halagang P300

-

CEBU CITY, Philippines – Isang 19-anyos na dalagang ina ang naghihimas ng rehas na bakal makaraang ares­tu­hin ng pulisya dahil sa pag­bebenta sa kanyang 15 buwang gulang na anak na lalaki  sa isang bus driver sa halagang P300 sa Cebu City.

Hawak na ng Family Juvenile and Gender Sensitivity Section ng Cebu City Police Office, ang suspek na si Josephine Ligo ng Sitio Kalinaw, Ba­rangay Mabolo sa natu­rang lungsod.

Inaresto si Ligo maka­raang ipagbigay-alam sa pulisya ng kanyang mga utol na sina Madel Do­mingo at Vincent Ligo ang pagbe­ben­ta ng anak sa bus dray­ber na si Roger Demol.           

Bago maibenta ang sanggol, tinangkang iwan ni Ligo ang kanyang anak sa may-ari ng karinderya na si Josephine Paglina­wan subalit tumanggi itong ihabilin sa kanya.

Todo tanggi naman si Ligo sa akusasyon ng kan­yang utol at sinabing ipi­nagkatiwala lamang niya ang anak kay Demol at hu­mingi ng P100 upang ipam­bili niya ng pagkain.

Inihayag naman ni De­mol na handa siyang ibalik ang sanggol kasabay ng paliwanag na naawa la­mang siya kay Ligo nang sabihing wala na itong maipakakain sa bata. (Ricky Tulipat at Freeman News Service)


vuukle comment

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE OFFICE

FAMILY JUVENILE AND GENDER SENSITIVITY SECTION

FREEMAN NEWS SERVICE

JOSEPHINE LIGO

JOSEPHINE PAGLINA

LIGO

MADEL DO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with