LEGAZPI CITY, Philippines — Pinaniniwalaang hindi nagbigay ng revolutionary tax kaya sinunog ang mga rebeldeng New People’s Army ang P6 milyong ari-arian na pag-aari ng isang pribadong kompanya sa Barangay Bicalen sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur noong Sabado.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga sinunog ng grupo ni Domingo “Eddie” Rodriguez na ari-arian na pag-aari ng Megay Construction Company ay isang bulldozer, 2-dump truck, payloader at backhoe.
Wala naman iniulat na nasugatan o kaya nasawi sa paghahasik ng karahasan ng mga rebelde. (Ed Casulla)