Nagbigti dahil sa nobyo
PANGASINAN, Philippines — Isang dalagita na sinasabing may malaking problema sa kanyang nobyo ang iniulat na nagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Matic-matic sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Ang biktimang 3rd year high school ay nakilalang si Reina Mae Mercado, 14. Tumanggi naman ang mga magulang na isailalim sa awtopsiya ang mga labi ng biktima sa hindi nabatid na dahilan.
Samantala, dalawang vintage bomb ang natagpuan sa bisinidad ng Barangay Bolasi sa bayan ng San Fabian noong Biyernes. Inilagay sa pangangalaga ng Bomb Disposal Unit ang mga bomba. (Cesar Ramirez)
- Latest
- Trending