500 nabigyan ng MediCard
RIZAL, Philippines – Pinangunahan ni Rizal Governor Jun Ynares III, ang pamamahagi ng mga MediCard sa bayan ng San Mateo sa unang 500 residente. Bilang simula ng proyekto ng provincial government, aabot sa 500 residente ng San Mateo ang kwalipika para tumanggap ng MediCard na magbibigay ng benepisyong P15,000 medical assistance kada taon.
Ang lahat ng napiling benepisyaryo ay dumaan sa masusing proseso ng pagpili upang masiguro na mahihirap lamang na residente ng San Mateo na may edad 18 pataas at kung may hanapbuhay ay kumikita lamang ng hindi hihigit sa P 6,000 kada buwan. Sinabi ni Gob. Ynares III na ang programang pangkalusugang ito ay ire-replika sa bawat bayan at siyudad ng probinsya. “Aming prayoridad na pag-ibayuhin ang serbisyong pangkalusugan at pang-nutrisyon sa Rizal at ang programang MediCard na ito ay paraan upang maipaabot sa aming mga kalalawigan ang mas pinagbuting serbisyong pang-medikal at pang-kalusugan,” pahayag ni Gob. Jun Ynares III.
- Latest
- Trending