^

Probinsiya

Plane crash: 2 sugatan

-

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasuga­tan makaraang bumagsak ang isang pribadong ero­plano kahapon ng umaga sa ba­kanteng lote sa Ba­rangay Lalangan sa bayan ng Pla­ridel, Bulacan.

Ka­salukuyang inoob­ser­ba­­han sa ospital ang sugatang pilo­to na si Captain Danny Yumol at ang estudyanteng Arabo na si Abdul Muran na ka­pwa lulan ng Cessna 152 (RP-8205) na pag-aari ng Delta Air Aviation School sa Brgy. Lumang Bayan sa na­banggit na bayan.

Base sa ulat, nag-takeoff ang training plane mula sa priba­dong paliparan sa nabang­git na bayan dakong alas-11:15 ng umaga subalit ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay sinasabing nasiraan sa ere kaya nag­tuluy-tuloy na bu­magsak sa nasabing lugar. Batay sa tala ng pulisya, ang insidente ay ika-apat ng kaso ng pag­bagsak ng sasakyang pang­him­papawid sa Bulacan mula noong 2007.

Matatandaan na noong Hulyo 2007 ay tatlo katao ang nasawi sa pagbagsak ng dalawang training plane sa Malolos City. Nasundan pa ito ng pagbagsak ng isa pang training plane sa Brgy. Agnaya, Plaridel na naging sanhin ng pagkasawi ng dalawa. Boy Cruz at Dino Balabo

vuukle comment

ABDUL MURAN

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

CAPTAIN DANNY YUMOL

DELTA AIR AVIATION SCHOOL

DINO BALABO

LUMANG BAYAN

MALOLOS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with