4 patay sa bakbakan ng 2 pamilya

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi matapos na magkrus ang landas ng dalawang mag­ka­labang angkan ng pa­sa­way na grupo ng mga re­beldeng Moro Islamic Liberation Front sa naganap na bakbakan kamakalawa ng gabi sa Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Jo­nathan Ponce, tagapag­salita ng 6th ID ng Philippine Army, dakong alas-6:30 ng gabi nang lusubin ng grupo ni Jing Caludtiag, field commander ng MILF, ang hideout ng grupo ni Commander Randy Karon sa Sultan Kudarat at Sin­suat ng lalawigan.  

Ang angkan nina Calud­tiag at Karon ay matagal nang may alitan na sa tu­wing magpapanagpo ay nagbabakbakan.

Sa nasabing insidente ay agad nagkaroon ng pali­ tan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tu­magal ng may 45 mi­nuto.

Nasawi sa insidente ang tatlo mula sa grupo ni Caludtiag at isa naman mula sa grupo ni Karon. (Joy Cantos)

Show comments