Lola'nilamon' ng buhangin

MORONG, RIZAL, Philippines – Na­libing nang buhay ang isang 53-anyos na lola makaraang matabunan ang kanyang tinitirhang kubo ng buhangin buhat sa isang dump truck kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Hindi na naisalba ang buhay ng biktimang nakila­lang si Nena Malenab ng Alamaris Compound, Sitio Sagbat, Barangay May­bang­cal ng bayang ito.

Arestado naman ang driver ng Isuzu dump truck (XFU-586) na si Edgar Cas­tillar, 39-anyos, na nahaha­rap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Nagdidiskarga ng buha­ngin ang naturang truck na minamaneho ni Castillar nang magkaroon ng proble­ma sa makina nito.

Hindi na nakontrol ni Cas­tillar ang bigat ng kan­yang karga kung saan tuma­gilid ang dump box sa likod ng trak at diretsong nabuhos ang ilan daang kilong buha­ngin sa kubo ng pamilya Ma­lenab. Nabatid naman na nag-iisa sa bahay ang bik­tima na nalibing ng buhay.

Nasawi ang biktima dahil sa tinamong mga sugat bu­hat sa bumagsak na mga ba­hagi ng kanyang bahay dagdag pa na hindi ito na­kahinga dahil sa tumabong buhangin. (Danilo Garcia)

Show comments