^

Probinsiya

10 Abu bulagta sa Marines

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa sampung bandidong Abu Sayyaf ang kumpirmadong napaslang matapos makasagupa ang tropa ng Phil. Marines sa liblib na bahagi ng Sumisip, Basilan simula pa noong Martes.

Ayon kay Captain Neil Anthony Estrella, tagapag­salita ng Task Force trillium, sumiklab ang bakba­kan bandang alas-3 ng ha­pon noong Martes at nag­patuloy hanggang kaha­pon. 

“Ten cadavers of Abu Sayyaf kidnappers  were recovered in the encounter site and we believed they suffered more casualties, ani Estrella sa phone interview. 

Ipinag-utos ni Brig. Gen. Rustico Guerrero, ang strike operation kaya gu­ma­gapang pa lamang ang liwanag kahapon ay nagsi­mulang lusubin ng mga kawal ng 1st Marines Brigade ang pinagkukutaan ng mga kidnaper matapos palayain ang tatlong guro ng Landig Gua Elemen­tary School sa bayan ng Moha­mad Ajul.

Kabilang sa mga napas­lang ay sina Kumander Muntong Pulah, lider ng Abu Sayyaf  at ang dala­wang kumander ng MILF Special Operations Group na sina Ben Mungkay alyas Boy Negro at Usman Lid­jal na wanted sa kasong kidnapping for ransom, murder, homicide, rape atbp.

Samantala, apat sa mga kidnapper ang nasa­ kote na hindi pa tinukoy ang mga pangalan habang nareko­ber naman ang dalawang M16 rifles, isang M14, isang M16 na may M203, tatlong B40 ammunitions, sam­pung rounds ng 40mm, mga bala at mga doku­mento.

Base sa intelligence report ng militar, maliban sa narekober na 10 bangkay ng Abu Sayyaf ay sinasa­bing marami pa ang na­sawi at nasugatan habang isa naman ang nasawi sa pa­nig ng Philippine Marines.

Sa kasalukuyan ay bi­hag pa rin ng mga bandido ang tatlo pang guro na sina Jocelyn Enriquez, Jocelyn Inion at si Naime Mande na kinidnap noong Marso 13 sa Bangkaw-Bangkaw, Naga, Zamboanga Sibu­gay. Joy Cantos

vuukle comment

ABU SAYYAF

BEN MUNGKAY

BOY NEGRO

CAPTAIN NEIL ANTHONY ESTRELLA

JOCELYN ENRIQUEZ

JOCELYN INION

JOY CANTOS

KUMANDER MUNTONG PULAH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with