Magkaibigan dedo sa truck

QUEZON, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkaibigang sundalo makaraang masalpok ng truck ang sinasakyang nilang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway sa Brgy. Bukal Sur, Can­delaria, Quezon. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Cpl. Arnel Domingo y Dumogma ng Special Forces Coy ng Phil. Army sa Brgy. Masin Norte at He­lario Mansit y Morado, miyembro ng Cafgu at nani­nirahan sa Brgy. Ma­nga­han, Dolores, Quezon. Napag-alamang mag­kaangkas sa motorsiklo ang dalawa pa­tungong Lucena City nang masalpok ng Isuzu Elf (TXK-888) ni Juliter Tungol ng Sta. Cruz, Manila at ngayon ay nakakulong. - Tony Sandoval


Show comments