BULACAN, Philippines – Nagwakas ang masasayang araw ng apat sa limang kalalakihan na sinasabing miyembro ng kidnap-for-ransom group makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa pulisya kung saan nailigtas naman ang biktimang trader kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Fausta Subd. sa Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan.
Dalawa sa napatay ay kinilalang sina Rolando San Juan y Mendoza, alyas Bangus ng Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, lider ng Bangus kidnap for-ransom group; at si Rodel Tabunan y Santos ng Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Nailigtas naman ang kinidnap na trader na si Jatindar Pal Singh 23, ng Brgy. Sulucan, Bocaue, Bulacan.
Samantala, sugatan naman ang isang pulis-Marilao na si PO1 Ronald Gregorio matapos tamaan ng bala ng baril sa tiyan.
Sa inisyal na ulat ni P/Supt Lailene Amparo, lumilitaw na dinukot ng mga armadong kalalakihan ang biktimang Bum bay sa bisinidad ng Brgy. Lolomboy, Bocaue.
Lingid sa mga kidnaper ay may nakakita sa kanilang modus ope randi kaya kaagad naman naipagbigay-alam sa pulisya ang insidente.
Sa follow-up operation ay namataan naman ang mga kidnaper sa nabanggit na lugar kaya nagkapalitan ng putok ng baril hanggang sa bumulagta ang apat habang nakatakas naman ang isa na lulan ng motorsiklo.
Narekober ng pulisya ang isang M16 Armalite rifle, isang cal. 45 pistola, isang cal. 38 revolver, isang cal. 9mm at mga bala, kotseng Toyota Vios na sinasabing kinarnap at pag-aari ni Lucila Varilla ng San Ildefonso, Bulacan at isang motorsiklo (9727-CQ).
Matatandaan na tatlong negosyanteng Bumbay ang kinidnap sa na banggit na bayan noong 2008 subalit hindi naipaalam sa kinauukulan.
Trader kinidnap sa Marawi
Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang 55-anyos na negosyante kamakalawa ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Gadungan, Marawi City, Lanao del Sur, kamakalawa. Wala pang paramdam ang mga kidnaper sa pamilya ng biktimang si Hadji Omar Ontawar, may-ari ng Amanah Trading sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagdukot dakong alas-10 ng umaga kung saan nakatayo sa harapan ng pag-aaring establisyemento ang biktima. - Joy Cantos