2-anyos ni-rape slay

BATANGAS, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng dalawang taong gulang na batang babae matapos na pagbabarilin ay hinalay pa ng ’di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay San Jose sa bayan ng bayan ng Tingloy, Batangas,  kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Rosemarie Malabanan. Ayon sa mga magulang ng bata na sina Roberto at Anastacia, limang araw nang nawawala ang kanilang anak bago ito natagpuan na naaagnas na. Sa imbestigasyon, napag-alamang binaril muna ang bata bago molestiyahin. Arnell Ozaeta

Show comments