^

Probinsiya

Ferry lumubog: 12 katao lunod

-

BATANGAS CITY, Philippines – Trahedya na naman sa dagat ang sumalubong sa 12-katao makaraang malu­nod sa paglubog ng isang motorized bangka kung saan aabot naman sa 52 ang nailigtas kahapon ng tanghali sa karagatan ng Batangas.

Kabilang sa mga bikti­mang nasawi ay sina Fran­co Eugenio, 3, ng White Plains, Quezon City; Anton Cruz, 2, ng White Plains; Gregonia Pabliko, 58, ng Sta Cruz, Manila; Albino Pabliko, 55; Beta Bardin, 2, ng Sta Mesa; Melanie Ber­din, 30; Desiree Teo­doro, 20, ng Taytay, Rizal; Joana Perez, 25, ng Batangas; Mina Ricci Cads ng Rizal; Daisy Eugenio ng Quezon City; Hosotani Shoji at isang yaya Tess.

Sa ulat ni Lt. Comman­der Troy Cornelio, commander ng Batangas Coast Guard, bandang alas-11 ng umaga nang maglayag ang M/B Commando Sais mula sa Batangas port papun­tang White Beach sa Puer­to Galera nang masira ang katig nito sa karagatang sakop ng Balahibong Puti Point.

Nabatid na hinampas ng malalaking alon ang banka hanggang sa bumigay ang ka­tig nito at tuluyang lu­mubog bandang alas-12 ng tang­hali.

Mabilis naman nagpa­dala si Lt Cmdr. Cornelio ng dalawang rescue vessel sa area para sagipin ang mga pasahero kabilang na rin ang ilang private banca ope­rators sa Puerto Galera.

Pansamantalang dinala ang mga nasawi sa Puerto Galera samantalang dinala naman ang mga naka­lig­tas sa ospital ng bayan. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

ALBINO PABLIKO

ANTON CRUZ

B COMMANDO SAIS

BALAHIBONG PUTI POINT

BATANGAS

BATANGAS COAST GUARD

PUERTO GALERA

QUEZON CITY

SHY

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with