Prexy ng asosasyon itinumba

BULACAN, Philippines — Tinambangan at napatay ang pangulo ng tricycle and operators drivers association ng motorcycle-riding assassins sa harapan ng public school sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Apat na bala ng baril sa katawan at ulo ang tumapos sa buhay ni Ricardo Can­cino, 34, ng Brgy. Poblacion at kasalukuyang presidente ng nabanggit na asosas­yon. Base sa police report, naghi­hintay ng masasak­yang jeepney ang biktima sa harapan ng San Miguel Central School sa Brgy. Poblacion nang lapitan at ratratin. - Boy Cruz


Show comments